11-24-06
heto ako ngayon, last subject na pero uwing uwi na ako. gusto ko pa naman ang subject na ito pati ung teacher pero dahil sa kinewento niya tungkol sa E.K. at ang rason niya, seryoso, nababawan ako.
(natigil ang pagsusulat ko dahil makikinig muna ako sa lesson niya)
11-25-06
music: Furuba 1st ending song
ayan ikkwento ko na. sabi kasi niya ung lugar na kinatatayuan ng Enchanted Kingdom ay taniman dati. tapos binenta ng may ari ung lote na ginawang EK kaya maraming magsasaka ang nawalan ng trabaho. kaya sabi ng teacher namin na kahit ilibre namin siya doon, hindi siya pupunta. diba ang babaw?
next track: driver's high ng laruku
pwede namang maghanap ng ibang trabaho yung mga magsasaka diba? kung gusto nilang maging magsasaka parin edi maghanap sila ng ibang maghihire sa kanila. marami nun sa probinsiya palang. i have respect for farmers so don't think i'm being mean here.
next track: GTO 2nd opening (bleap i 4got the title)
tapos nag joke pa siya ng wala ng mas kokorni pa. ano daw letter ang nawawala pag Christmas. kinakanta pa daw un sa isang Christmas song. Heto ito sagot, baka mabaliw ka pa kakaisip. "No..L, No.. L" gets? Noel daw grabe ang korni. may mas kokorni pa pala sakin. kornix talaga men.
next track:GTO 1st ending
kanina naglalaba ako (sige na may washing machine) sabi sakin ng tatay ko "ikaw ang pinaka masipag tapos teacher ka pa." ~_~ naisip ko 'masipag din naman ung mga iba kong mga kapatid in their own way. i'm just doing my laundry here (and sometime tidying up my room) but i won't do it if someone else will.
next track: Get Backers 1st ending tapos 1st opening
siguro masipag ako (ung tinutukoy ni Papa) in the sense na kahit marami pa akong gagawin, ay nilalabahan ko parin mga damit ko at napapanatiling malinis (in my definition) ang kwarto ko. kasi ung kwarto ng kuya kong panganay ay parang binabalikbalikan ng bagyong milenyo samahan mo pa ng bagyong paeng. inaasa kasi niya sa asawa niya ang lahat ng paglilinis. dati hindi siya ganun, mas adik pa sa paglilinis dati un eh. naaawa naman ako sa sister-in-law ko kasi andami niyang gagawin tapos ung tindahan pa nila siya ang nagbabantay.
next track: getbackers 2nd opening
si ate joyce naman ang sumunod kay kuya ryan (ung kanina) ay isang OT sa PGH. masipag siya sa trabaho niya pero hindi masyado sa chores...ahem...hindi talaga. pinapalaba niya kay lola bading ung scrubs niya. understandable naman kasi gabi na siya umuuwi ang pagod na kaya hindi na niya kayang maglaba. si kuya jonan naman ang pangatlo at sinundan kong kapatid. inayos niya ung kwarto ng tito namin na naging kwarto na niya. ok un lang. magaling siyang tumugtog ng gitara, ok naman sa drums at pwede na sa keyboards. kaso bakit parang ayaw niya akong turuan? naman o. okay elmo's goal: learn how to play an instrument (triangle anyone?)
next track: 4th avenue cafe by laruku
Hep! Inanounce ng prof namin sa humanities na manonood kami ng play sa dec 9. ito ang exaktong reaksyon ko
'Hmm Dec 9... Dec 9? ano nga ba meron sa Dec 9? ung bday ni Chris V? Hindi Dec 17 pa un... Dec 9...hmm.. Dec 9?... AH!!! DEC 9 !?! UPAME!!!' nan laki mga mata ko. "bakit naman of all the dates Dec 9 pa!?"
next track: Morning Grace (Princess Tutu opening)
Hwahahaha bagay sa music na pinakikinggan ko ngayon. "The Nutcracker" kasi ung papanoorin naming ballet play, 5:00 pm at un nga Dec 9 sa Aliw Theatre. Php 250.00 ung ticket na may kasamang ride all you can na sa Star City.
Recent Comments